Hi, you can call me Cherry. As of the moment I am still thinking of a perfect description of me to go here, but the way I see it, you can either waste your time reading about me or you can waste your time scrolling down. Your call.
It’s 2 am. I just finished doing my own cover photo. I know it’s not much but it represents my personality - i think. I also put there my favorite quote which inspires me most of the time, hoping that it would have the same effect on people.
Anyway.
Surprisingly, I am here writing a little blog post. I have lost my will to write my thoughts down but they’re still in there, I assure you. I am not even also updating my other (more) personal blog these days. It’s either I have no time - which I kinda do have most of the time, or the computers in my house are all occupied.
Anyhow. Here’s me, just making my presence felt. Still alive yeah. I hope you’re still enjoying my blog though I rarely update it. Scroll back, I was more dramatic back then ;)
Here’s to hoping that you’d have a happy day, all day, everyday!

Bulalakaw. (Taken with instagram)

(Taken with instagram)

Right Here. (Taken with instagram)
Just finished downloading FRIENDS season 9 and is dreading the ending of it all :(

Thor.
Hindi daw aware ang mga tone deaf na ganun sila kahit naririnig nila ang boses nila. Ganun din ba ang lahat ng tao pag dating sa ichura nila?
May tao bang napapangitan sa sarili nila? As in yung legitimate na napapangitan at hindi lang fising for compliments ah. Naisip ko lang.
Sangkap ng pinoy teleserye:
1. Inaaping bida
2. Bukod tanging arch nemesis
3. Nagkapalitan ng anak o nawawalang anak
4. Mahirap na biglang yumaman
5. Kidnappan o Hostage scene
6. Sikretong ang tagal mabunyag
7. Agawan ng yaman, boyfriend o asawa
8. May mamamatay
9. Happy Ending
Kung ganyan ang plot ng buhay ko, edi may kontrabida sa buhay ko ngayon na pilit ginagawang miserable ang bawat araw ko. Hindi ko kilala ngayon ang tunay kong magulang pero lingid pa naman sa kaalaman kong ampon ako. Tsaka ko pa lang malalaman pag sa hindi inaasahang pagkakataon ay magkakasalubong ang landas namin ng tunay kong ina na ngayon ay mayaman na at nagbalik galing sa ibang bansa para maghiganti. Pero bago pa man lumabas ang sikretong iyon, kikidnapin ako at ipapatubos ng milyones kung saan ililigtas ako ng boyfriend ko at dun siya mababaril at macocomatose bago niya masabi sakin ang nalaman niyang sikreto tungkol sa pagkatao ko na magkapatid pala kami. Pero bandang huli, malalaman naming hindi pala talaga, kasi anak pala siya ng tatay niya sa labandera nila. Maaring mahuli ang nasa likod ng panghohostage sa akin at kung bakit pero sa huli pa yun pagkatapos kong malaman na may bukod tangi palang taong galit na galit sa akin at handa akong ipapatay sa mga tauhan niya. Mga tauhan niyang hindi ko alam kung saan nila nakukuha. May agency ba para dun? O nagpopost sila sa Sulit.com ng “Wanted: Nakakatakot na goons na mahilig magsuot ng jacket”? Pag nagkaalaman na ng sikreto doon ako magchchange outfit para magmukang tunay na heredera. May demandahang magaganap kung saan hindi boring ang trial. May iiyak, may madramang sisigaw at maglalabas ng sama ng loob at may surprise witness na magbubulgar ng lahat ng sikretong nalalaman niya. Hindi ako makakapaniwala sa mga malalaman ko at magdadrama ako kung bakit nilihim nilang lahat yun sa akin. Biglang lalabas sa eksena ang kontrabida kung saan tututukan niya ako ng baril at magbibigay ng oras para magspeech kung bakit niya nagawa ang mga plano niya. Saktong darating ang boyfriend kong biglang lumabas sa pagkacomatose at mirakulong nadischarge agad. Yun nga lang naiputok na ang baril, pero saktong nagpakabayani ang kinilala kong ina at siya ang sumalo nito. Doon biglang maglalabasan ang mga pulis at mahuhuli ang kontrabida sa akto. Mawawala ang galit ko sa kinilala kong ina at iiyak ako habang nakahiga ang ulo niya sa mga binti ko.
Makukulong ang kontrabida, hindi na comatose ang boyfriend ko, mayaman na ako at masaya na ang lahat.
At lahat ng ito ay mangyayari sa loob lamang sa loob ng ilang buwan kung saan hindi uso ang araw na boring, walang araw na dadaan lang at mauubos sa panunood ng TV, pag ffacebook o pagmmovie marathon, unlimited ang pera kahit walang nagtatrabaho ng 8 oras sa isang araw. Hindi na rin kami magbbreak ng boyfriend ko kasi hindi uso ang ganun. Makikilala mo na agad ang tinakda para sayo. Ay oo nga pala, may kapatid din ako, pero parang supporting character lang siya hindi uso na may pasok siya sa school at dapat wala sa bahay parati o kung nasa bahay man ay hindi mo makikitang gumagawa siya ng assignment o project. Hindi rin pala uso ang pets kasi abala yun sa eksena. Hindi mo makikitang magpapaligo ako ng aso o magpapakain o magpupulot ng dumi nila. Meron din nga palang pool sa bahay ng tunay kong ina, pero kailangan marunong akong lumangoy. Hindi uso ang hindi marunong magswimming at nakakapit lang sa gilid kapag may eksena sa pool. Wala nga din pala akong damit pambahay, kasi dapat laging nakaporma, at kahit sa pagtulog, nakamake-up. Hindi uso ang text, dapat lahat naka linya ang cellphone. And last but not the least, kung pangteleserye ang buhay ko, sa mga oras na ito, hindi ako nagttraining o naghahanap ng trabaho. Inaasikaso ko ang mas maaksyong bagay tungkol sa pagkatao ko at isa na rito ay paghahanap sa nawawala kong ama na sa mga oras na iyon ay mabibigyang parol sa city jail at magbabalik sa buhay ng mayaman kong ina. Pero ang muling pagkikita nila ng kanyang one true love at simula ng muling pagkakagulo ng kwento ay para pa sa susunod na maaksyong taon.

(Source: raindropkisses-ox, via randomtology)
I’m sorry, I need this on my dash. It’s too cute.
I wish Pony were as cooperative. I’ve had him for six years and only attempted to give him a bath twice. He tried to climb up my arms both times. :|
(Source: nothinggrowsintheshadows, via thatsfornever)

(via thatfunnyblog)